Pagtatakipsilim
Munting luha'y pumatak
Sa kalagitnaan ng paraiso
Isa pa muli ang pumatak
Na sanhi ng pagtatalo
Unting dumaloy sa kapaligiran
At nagdilim ang kalangitan
Lumaganap ang katahimikan
Tanda ng kapahamakan
Nagsimula ang matinding unos
Na sumakop sa buong lupain
At dumaan ang mabagsik na agos
Na kaguluhan ang hangarin
Ngayo'y hinihintay ang sandali
Ang katapusan ng bagyo
At ang araw ay sumikat muli
Sa paghilom ng mga puso
Huling luha'y pumatak
Sa kalagitnaan ng paraiso
At binhi ng pag-ibig ay mahudyak
Na umusbong muli sa nasawing mundo
Sa kalagitnaan ng paraiso
Isa pa muli ang pumatak
Na sanhi ng pagtatalo
Unting dumaloy sa kapaligiran
At nagdilim ang kalangitan
Lumaganap ang katahimikan
Tanda ng kapahamakan
Nagsimula ang matinding unos
Na sumakop sa buong lupain
At dumaan ang mabagsik na agos
Na kaguluhan ang hangarin
Ngayo'y hinihintay ang sandali
Ang katapusan ng bagyo
At ang araw ay sumikat muli
Sa paghilom ng mga puso
Huling luha'y pumatak
Sa kalagitnaan ng paraiso
At binhi ng pag-ibig ay mahudyak
Na umusbong muli sa nasawing mundo
0 Comments:
Post a Comment
<< Home