Tag-ulan
Tuwing nagsisimula
ang pagpatak ng luha
ng langit sa lupa
unti-unting nawawala
ang mga mumunting tala
at karimla'y naglipana
At sa paglunod na
ng natatagong pag-asa
at paglalaho ng tiwala
sa maaliwalas na tadhana
nawawala ang pag-unawa
sa buhay na nasisira
Ipinipikit lamang ang mata
tanging pag-ibig ay inaalala
at tuluyang nadarama
ang pagbalik ng ligaya
at sa puso'y dinadala
sa pagsalubong ng bagong umaga
ang pagpatak ng luha
ng langit sa lupa
unti-unting nawawala
ang mga mumunting tala
at karimla'y naglipana
At sa paglunod na
ng natatagong pag-asa
at paglalaho ng tiwala
sa maaliwalas na tadhana
nawawala ang pag-unawa
sa buhay na nasisira
Ipinipikit lamang ang mata
tanging pag-ibig ay inaalala
at tuluyang nadarama
ang pagbalik ng ligaya
at sa puso'y dinadala
sa pagsalubong ng bagong umaga
0 Comments:
Post a Comment
<< Home